Martes, Disyembre 9, 2014

Ang Pinakamasaya at Malulungkot na Pangyayari sa Aking Paaralan

Ang pinakamasasaya at malulungkot na pangyayari sa aking paaralan

   






 Totoo nga ang kasabihan na ang paaralan ang iyong magiging ikalawang tahanan. Kahit ilang taon pa lang akong nag- aaral sa Deo Roma College of Tanza, (DRCT) napamahal na ako dito dahil sa mga pangyayari dito na hindi madaling kalimutan. May masasaya at mayroon din namang malulungkot. 

Simulan natin sa masasaya. Isa na doon ang pagkakataong makilala ang aking mga mabubuting kaibigan, tulad ng aking mga kaklase, guro, at iba pang mga nanunungkulan sa aming paaralan. Halos lahat naman sa kanila ay naging malapit din sa akin pero syempre may naging pinakamatalik rin akong kaibigan sa kanila. Ilan sa kanila ay sila Nicole, Aira, at Mae. Isang malungkot na pangyayari na nangyari sa aking paaralan ay noong kasama ko ang dati kong matalik na kaibigan. Inimbitahan nya ako kasama ang ilan naming mga kaibigang sumama sa palikuran upang umiihi ng bigla na lang nila akong ni-lock sa palikuran. Umiyak na lang ako ng umiyak hanggang sa nabuksan ko na ang pinto. Binuksan pala ni Aira ang pinto. Ako ay tuwang tuwang dahil sa kaniyang ginawa. Iyon ang isa sa pinakamasaya at malungkot na nangyari sa aking paaralan. 


Ngayon, may isa pa akong matalik na kaibigan bukod kay Aira. Siya si Mae. Isa rin siyang mabuting kaibigan katulad ni Aira. Nakilala ko siya noong nasa ikalimang baitang kami. Masaya ako nung naging matalik ko siyang kaibigan subalit kinailangan niyang lumipat ng ibang paaralan dulot ng mga personal na dahilan. Hindi siya nakapagpaalam sa akin dahil biglaan itong nangyari.  Labis akong nalungkot nung araw na iyon. Tumawag siya sa akin at ipinaliwanag ang lahat. Siya naman ay aking naintindihan. Sinabi namin sa isa't isa na hanggang sa huli ay magiging matalik pa rin kaming magkaibigan. Ilan iyong mga halimbawa na nagpapatunay  na sa bawat malungkot na pangyayari sa ating buhay, may darating pa ring magandang balita. Hindi man nito mapapawi ang ating lumbay ng ganoon kabilis, tiyak na makakapagpasaya pa rin ito sa atin kahit kaunti.